Wednesday, December 13, 2006

Kabalintunaan ng buhay: Sa mga kaarawan

Ang mga kaarawan ay ating sinasalubong ng mga handaan at kasiyahan. Mula sa mga pagbati hanggang sa paghahandog ng mga regalo, ang mga nakikibahagi sa tinataguriang espesyal na araw na ito ng isang taong kakilala ay may galak sa kanilang puso para sa taong nagdiriwang.

Happy birthday.

Sinasabi na ng dalawang salitang iyan ang tipikal na pagtingin sa mga kaarawan.
-
Pagbigyan ninyo ako, at hanguan ng pasensya sa mga pesemistikong kataga na aking ibubulalas sa mga susunod na linya.
-
Sa mga kaarawan, tulad nga ng aking nabanggit kanina, nagdiriwang at sadyang nagkakasiyahan ang mga tao. Ang kasiyahang kanilang ginagawa, kalimitang hindi lamang nila alam, ay isang kasiyahan na nagbibigay ng kabalintunaan sa mga kaarawan. Masayang masaya sila sa pagdiriwang na ito na isa namang pagdiriwang na naghuhudyat ng paglapit sa kamatayan ng taong sentro ng pagdiriwang.
Habang ang tao ay nadaragdagan ng gulang, hindi lamang siya nadaragdagan ng bilang ng taon na siya ay nabubuhay rito sa mundong ibabaw, datapwa’t siya rin ay nababawasan ng bilang ng taon na siya’y sa mundong ito mamamalagi.
-

Ang kamatayan ay anino ng buhay.
Tulad ng araw at gabi’y laging magkadikit at nagpapalitan ang dalawa at tayong pawang mga tao ay walang magagawa upang piglasin ang koneksyon ng mga ito sa isa’t isa; gaano man natin ito gustuhin.

Isang sakit na walang lunas.

Isang Sakit na Walang Lunas
ni Diana Bernal Diwa


Babadya-badya siya sa mga ating kamulatan
Aali-aligid siya sa mga ating kahinaan
Sinisipat, sinusuri
Minamatyag, tinataguri
Ang sa katawan nati’y naninirahan na kaluluwa

Sa kanyang pagdampi
Ang kawawang katawa’y naiiwang
pipi
At mula sa puso’y tatagas
Ang walang kasing puti na gatas
At ang sadyang tinagusan na tagapagbigay buhay, pumupukaw na kadalamhatian ang hihimlay


-
hm.sa palagay ko, medyo bitin ang tula...try ko pa siya dagdagan nxt time.:D

Monday, December 11, 2006

Sa kaligayahan.

Wag maging masyadong masaya.
-Professor x

Yan ang aking natutunan nang maligaya kaming nagmamadaling maglakad ni professor x (jd) papuntang chem. building upang magpasa ng aming mga lab report; sa gitna ng aming mga tawanan, sa kasamaang palad, ay nahulog ang aking lab report sa daan na siyang nakapagdulot sa akin ng isang matinding bulugso ng damdamin.
Isang malaking pasasalamat na lamang na si Ginoong Humbert ay mapalad na nakita ang aking papel sa daan.
-
Wag masyadong masaya.
Napaisip ako nang narinig ko ang mga katagang ito. Ano ba naman kasi ang masama sa labis na kasiyahan?
Lahat daw ng bagay, ‘pag labis, ay masama.
Totoo ito sa mga karaniwang bagay tulad ng sigarilyo at sopdrinks, ngunit pagdating sa kaligayahan...
Maaari. Puwede rin. Kung sa bagay, sa sobrang kasiyahan ay mayroon tayong mga bagay na nakaliligtaan(tulad ko na lamang nang aking nahulog ang pinakamamahal kong lab report). Mga bagay na tulad na lamang ng katotohanan na sa ating kasiyahan ay maaaring mayroong nasasaktan o kaya naman ay habang tayo ay naghahalakhakan ay maraming tao ang sa panahong iyon ay naghihikahos.
-
Lahat ng tao ay nagtatamasang maging maligaya. Maaaring sabihin na kahit ang mga hayop din ay nangangarap rin nito.
Ang nakakatawa nga lamang, sa paghahabol natin sa pangarap na ito, hindi maiiwasang mayroong mga taong tayo ay masasagasaan at sa pangyayaring ganito ay napalulumbay.
Bakit kaya ganoon ano? May kapalit ang bawat bagay. Wala kang makukuhang libre kahit anong mangyare. Wala ang ika nga nila sa inggles, no strings attached.
Sa kasakitan ng iba, ang kaligayahan mo ay maisasakatuparan. Kadalasan hindi natin ito alam. Kung alam man natin, ating iniiwasan ang katotohanan na ito. Tayo ay nagbubulagbulagan dito. Marahil ito ay dahil sa likas sa sangkatauhan ang pagiging makasarili; ang pag-uuna sa sarili bago ang iba. Nakalulungkot. Isa itong nakalulungkot na katotohan na kahit ang pananampalataya ay hindi tuluyang maialis sa atin.
-
Bakit hindi puwedeng ang lahat ng tao ay maging masaya?

Sapagkat sa pagkakaroon ng mundong puno ng mga taong nakangiti sa kaligayahan na sa kanilang puso ay pumupuno, sa mundong iyon ay hindi na masasabing ang kaligayahan ay may katotohanan; na ang kaligayahan ay totoo.

Mayroon lamang kasiyahan kung mayroong kalungkutan.
Mayroon lamang taong masasaya kung mayroong mga taong malulungkot.
-
Sa aking mga palagay,
Sana lamang ay tuwirang mali ako.

Sunday, December 10, 2006

Isang sagot sa lahat ng mga katanungan

Fanaticism is the only way to put an end to the doubts that constantly trouble the human soul
-Coelho in The Zahir


Napakadaming relihiyon sa mundo; at napakaraming tao ang sa bawat isa ay sunud-sunuran o kahit papaano ay may pananampalataya.
Ang ganitong ‘setup’ ay hindi nakapagtataka. Kung hindi kasi ganito, baka tayo’y nabaliw na. Ang kamangmangan natin sa libu-libong mga bagay ay maaaring kainin tayo ng buhay kung hindi natin sila bibigyan ng kasagutan sa pamamagitan ng paniniwala sa isang bagay o tao na higit sa atin.
Mapag-isip ang sangkatauhan at lubos na kailangan niya ng katwiran sa kung bakit tayo ay mayroong buhay; kung bakit tayo’y naririto ngayon.
Sa pamamagitan ng paniniwala at pagtitiwala na mayroong Manlilikha na siyang nagbigay buhay sa atin, nagkakaroon ng kasagutan ang mga katanungang tulad ng: Bakit ako nasa mundong ibabaw? May halaga ba ako? Ano ba ang mangyayari sa aking kamatayan?
Ang pagresolba sa pamamagitan ng pananampalataya ang pinakamadaling gawin. Lahat ng mga bumabagabag sa ating isipan ay sa pananampalataya, may tiyak na kasagutan.

Aking aaminin na hindi ako isang relihoyosong tao. Hindi ako nagsisimba, nakalilimutan kong magdasal, at hindi man lamang ako nagbibigay galang sa simbahan kung ito ay aking madadaanan. Ganun pa man, ako ay may pananampalataya.
Naniniwala ako na mayroong Diyos at naniniwala rin ako na hindi ko ito kailangang ipanakikita sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinataw ng simbahan na nararapat gawin ng isang katoliko. Ang simbahan, hindi nga ba, ay pinatatakbo lamang ng pawang mga tao.

Naisip ko lamang: paano kung ang lahat pala ng mga relihiyon ay pawang peke?
Sa totoo lamang, ngayon ay wala na akong pakialam. Mapatunuyan mang peke nga ang mga ito ay maniniwala pa rin ako na may Diyos at maninindigan pa rin ako sa kanya.
]Isang masyadong nakatatakot na bagay kasi ang mawalan ng paniniwalaan, ng isang sandigan na lagi mong maaasahahan.

Nakangingilabot ang maniwala na walang Diyos; ang kawalan nito ay nangangahulugan na ang tao ay isa lamang hayop. Isang hayop na nagkataon lamang na nakapag-evolve. Hindi siya espesyal at walang katuturan ang buhay.

Saturday, December 9, 2006

Baka.

Baka. Ang buhay, mula sa unang pagpintig hanggang sa huling paghinga ay isang tanikala ng mga baka.
-Lingat sa
Kung Wala na ang Tag-araw

Totoo naman hindi ba. Ang buhay ng tao ay tunay na punung-puno ng mga agam-agam. Walang bagay ang mayroong tuwirang katiyakan.

Sa kasalukuyan, napakaraming mga baka ang sa isip ko ay bumabagabag; mula sa mga ubod ng kabababawan na mga bagay(tulad ng Baka hindi masarap ang ulam mamayang gabi), hanggang sa mga sukdulan naman sa kaseryosohan(tulad ng Baka hindi ko kayanin ang kurso ko).

Sa mga baka sa ating buhay, sa aking palagay ay isa lamang ang maaari nating gawin; maging positibo sa pag-iisip.
Kung ang pagiging negatibo natin ang paiiralin, walang mangyayari sa ating buhay. Tulad ng sinasabi ng marami, kung ang iisipin natin sa pagharap ng isang pagsubok ay negatibo, hindi ka pa nagsisimulang lumaban ay talo ka na.

Mahirap gawin ang mag-isip ng positibo lalo na kung halos lahat ng bagay na nakapaligid sa atin at lahat ng may kinalaman sa hinaharap na pagsubok ay nagtutulak sa ating mawalan ng pag-asa. Ang pagsasawalang bahala sa mga bagay na ito ang tanging bagay na maaaring gawin at ang hindi kailanman pagpapatalo sa sariling mga pagaalinlangan.

Ang tuwirang pagharap sa mga baka sa buhay ng taos-pusong may pananalig na sa huli ay magiging mabuti at maayos ang lahat, sa aking palagay, ang siyang magpapalakas sa tao at magpapanatili sa matiwasay at masagana niyang pamumuhay.

Friday, December 8, 2006

11 minutes


in the search for happiness, we are all equal: none of us is happy - not the banker/musician, the dentist/writer, the checkout girl/actress, or the housewife/model.

suffering, if confronted without fear, is a passport to freedom


kababasa ko lamang ng 11 minutes na akda ni paulo coelho. aha. kaddownload ko lang ng ebook niya mga 5-6 hours ago. pagkatapos na pagkatapos ko idownload, nagsimula na ko, at katatapos ko lamang. haha. nahook?!. okay naman. haha. kasalanan mo to ish. haha. 'kinyuryus' mo kasi ko e. haha
-
i would like to take this opportunity to thank esnips.com for providing me a free copy of 11 minutes and giving me access to the other works of paulo coelho. :D

alay sa eskwelahang pinanggalingan.

hayskul.
yun yung panahon ng ligalig.
oo ligalig.
ngunit isang kabalintunaan na
ang ligalig na iyon ay puno ng mga ngiti.
puno ng halakhakan.
puno ng buhay.

maaaring sabihin na iyon ang tag-araw ng aking buhay.
naramdaman ko ang paghahari ko noon.
ako
hari ng daan.
ako
hari ng kabalastugan.
ako
hari ng isang lupon ng mga tao.
ako
hari ng mga presentasyon.

mayabang, maaari.
pero iyan ang palagay ko sa sarili ko noon.

sa isang barkada ako ay kabilang.
noon maging sa ngayon.
kasa-kasama sila naging palaruan ang hayskul.
isang napakalawak at makulay na makulay na palaruan.

oo
siyempre mayroong mga bagyo ring nagdaan.
mga pagsubok.
mga 'kalituhan.'
mga pinagdaanang pasakit.
pero lahat ng iyon tila ba naging matatamis na alaala na...
matatamis sa kaparaanang parte kasi sila ng hayskul.

hindi ko sinasabing ang kolehiyo ay malungkot.
na ito ay nakababalisa.
ang sinasabi ko lamang,
isang alaalang walang makapapantay ang buhat ng hayskul sa akin.

ang apat na taong iyon ang pinakanaramdaman ko na buhay ako.
sa mga pagsubok naramdaman ko ang pagpintig ng aking puso.
sa mga pagtatanghal naramdaman ko ang pagdaloy ng dugo sa bawat parte ng aking katawan.
sa mga samahan at sa mga pinagdaanan ng mga samahang yaon naramdaman ko ang aking paghinga.

marami.
masyadong marami pang mga salita ang nais ko pang ipahayag.
ipahayag dito sa aking alay sa eskwelang pinanggalingan.
subalit gustuhin ko mang isapapel ang mga ito,
hindi maaari.
dahil kahit kailan,
ilang dekada man ang magdaan,
ilang uwak man ang magsiputian,
hindi maisasatitik ang kabuuan ng aking karanasan sa natatangi kong pagdaan sa eskinita ng hayskul.
maaaring labis na at ika nga ay cheezy
ngunit akin pa ring sasabihin
kahit na isang libong salita ay hindi sapat upang lubos na sa inyo'y maipakita
upang lubos na sa inyo'y maipadama
ang kagandahan
ang natatanging karikitan
ng aking mga naging karanasan
sa apat na sulok ng ekwelahang pinanggalingan.

-
sa mga naging kaserbis
sa mga naging kamag-aral
sa mga naging kaibigan at kabarkada
at pati na rin sa aking mga naging titser
salamat
maraming salamat
sa aking puso ay umasa kayong may natatangi kayong espasyo

Thursday, December 7, 2006

this modern love. (isang liham ng pag-ibig at pagkasawi)

ah...bumaba ako sa jeepney, kung saan tayo'y dating magkatabi. magkahalik ang pisngi nating dalawa...nating dalawa...panyo mo sa aking bulsa, ang amoy mo'y naroon pa rin...tawa nati'y humahalay, sa init nating dalawa. subalit ngayo'y...wala na. ikaw ay, lumayo na. naaalala ko ang mga gabing...nakahiga sa ilalim ng kalawakan. naalala ko ang mga gabing...magkatabi sa ulan...kulay ng iyong ngiti...tikwas ng iyong buhok...at ang lambot ng iyong labi. iyong labi. kahit anino mo sa malayo ay nais masulyapan; upang mapawi, ang lamig.

hoy ikaw. isang taon na rin ang nakalipas a? isang taon na rin kitang namimiss. hm. marahil iniisip mo kung bakit kita "kinantahan" ng jeepney. alam mo kasi...ano...walalang...mahal kasi kita e.......ayan. nasabi ko rin. shocking ba?...sa totoo lang...ang g*go diba? totoo kasi na nakatatanga ang pag-ibig. sa pagkakakilala ko sa'yo...masasabi ko na ikaw ang pinaka-g*gong tao na kakilala ko. hindi mo lang kasi alam kung gaano mo ipinadama sa akin na isa kong klase ng tao na hindi nirerespeto...isang klase ng tao na kayang isawalang bahala...sa libu-libong beses na ipinadama mo sa akin na napakababa ng halaga ko...p*cha minahal pa rin kita. sorry, tanga e.
paano pa masasabing ang tanga ko nga at nahulog ako sa'yo?.una: nakita ko kung paano mo pinaglalaruan ang mga babae. mahilig kang magtake advantage sa kanila...pina-iikot mo sila't tinatratong akala mo naman ay gusto mo rin sila. pangalawa: bastos ka. ikaw na ata ang pinaka-bastos na taong nakilala ko(ng personalan). kasi naman noh...akala mo ba okay lang na tumatawag ka sa akin at sasabihin mo lang na...basta yon.isa kang malaking ul*l.isa pa me singkong duling ng pagka-gentleman wala sa'yo. ipakilala ba naman ako bilang isang classmate sa eskwelehan mong all boys (lang naman) sa iyong mga kamag-anak? sabihin na nating may...dahilan...kung bakit ginawa mo yun. pero hello naman diba. pangatlo: hindi ka matalino. sa aking palagay nabubuhay ka nga lang sa kopya. hay. pang-apat: miyembro ka ng isang mala-frat na samahan na kilabot sa iskul mo noon. ay. sorry, di ka nga lang pala basta basta miyembro, ikaw nga pala ang founder at pangulo. panlima: smoker.manginginom.at kilabot na mambubugbog ka nga rin pala.haha.sh*t.so gaano katanga ako?
ngayon. bakit kita mahal?


ewan




ewan




ewan.



basta ang alam ko...sa tuwing pag-ibig ang pinag-uusapan, ikaw ang nagpapop sa utak ko. aliw nga e. tila baga iswitch ang word na pag-ibig na pag binanggit ay automatic kitang maiisip.
f.y.i...isang napakalaking parte ng pagkatao ko ay binago ko talaga para sa'yo; ang parteng iyon hindi ko alam kung mafifigure out mo, palagay ko naman ay oo. isa pang bagay; alam mo ba na ikaw ang taong pinakanakapagpa-insecure sa akin.ewan kung tama ang pagkakasabi ko, basta ikaw yung taong pinaka-nakapag-pa-wish sa akin na hindi ako...basta ako.
inayawan kong maging sarili ko lamang para magustuhan mo naman. para naman kahit papaano makita mo ko. at siguro ay magustuhan mo na rin.
tingin mo sa'kin isang bro.

balik tayo dun sa kanta. bakit sa liham ko ng pagtatapat na ito ay jeepney pa ang napili ko. eto kasi yun. naaalala mo pa ba yung gabi natin sa sementeryo? nakatatak pa rin sa utak ko yung sandaling yun. sa ilalim ng kalangitan nakahiga tayo. nakahimlay sa akin ang iyong ulo at aking hinahawakan ang iyong buhok.sa oras na iyon...lahat...yung mga tao sa paligid....yung lamig ng hangin ng nobyembre....yung sari-saring ingay roon...nwala silang lahat. para bang tayo lamang dalawa noon...yun yung moment ee...yung p*chang specific na moment na nalaman kong iba pintig ng puso ko at tila ba nasabi ko na lamang sa sarili ko, "sh*t problema...problema 'to. mahal ko na tong g*gong toh"

...
para sa iyo at sa kung sino mang nagbabasa nito. dati ko pa isinulat yan.naisipan ko lang ipost ngayon. in short, nakaget-over na ko sa kanya(sa iyo)

unang poste :S

okiokioki.ngayon, bakit ako nagblog?.hmmmmm...aha.walalng.naisip ko lang na gusto ko.:P maaaring sabihin na maraming factors ang nagkatulungtulungan at nagtulak sa akin upang gawin ang isang gawain na siyang ang paggawa ng isang blog. ilan sa mga factors ay ang sumusunod: 1.pagkakaroon ng pampalipas oras 2.pagkaaliw sa blog ng ibang tao 3.pagkakaroon ng karagdagang distraksiyon sa buhay para masaya :D

tutal unang poste na rin lang ito, aking kukunin ang oportunidad na ito upang sabihin kung bakit new noise pa ang aking ipinangalan.
ang "new noise" ay isang pamagat ng kanta ng scandinavian na band na kilala bilang "refused"
sooooper fly ng kantang ito. sadyang nabighani talaga ako rito. ito ang liriko sa kanta :D

CAN I SCREAMMMM?.YEAHHHH.We lack the motion to move to the new beat.WOAH.We lack the motion to move to the new beat.It's here for us to admire if we can afford the beauty of it.If we can afford the luxury of turning our heads.Adjust the $1000 smile and behold the creation of man.Great words won't cover ugly actions.Good frames won't save bad paintings.WOOO.We lack the motion to move to the new beat.YEAAAH.We... lack.... motion.When the
day is over the doors are locked on us.'Cause money buys the access. And we can't pay the cost.How can we expect anyone to listen.If we're using the same old voice? We need new noise. New art for the real people.We dance to all the wrong songs.We enjoy all the wrong moves.We dance to all the wrong ss.We're not leadingWe dance to all the wrong songs.We enjoy all the wrong moves.We dance to all the wrong songs.We're not, we're not, we're notWe're not, we're not, we're not..Leadingggg.We dance to all the wrong songs.We enjoy all the wrong moves.We dance to all the wrong songs.We dance to all the wrong songs.We enjoy all the wrong movesWe dance to all the wrong songs.Here we go...We dance to all the wrong songs.We enjoy all the wrong moves.We dance to all the wrong songs.We're not leading.The new beat...Thank you.


ayan.haha.nawa'y inyong naunawaan :D basta.kayo ay magtiwala sa'kin.one op da best songs yan eberr.:D try nio idownload at inyong pakinggan, subuking panuorin din ang bidyo :D subran naadik ako sa bandang Refused dahil jan, ginawan ko pa nga ng web page ang bokalist nila sa aking kaadikan e :D




new noise - refused

typecast link

Listen to Typecast

ako.mgakaibigan.ako.mgakakilala.atako.:D