Wednesday, December 13, 2006

Kabalintunaan ng buhay: Sa mga kaarawan

Ang mga kaarawan ay ating sinasalubong ng mga handaan at kasiyahan. Mula sa mga pagbati hanggang sa paghahandog ng mga regalo, ang mga nakikibahagi sa tinataguriang espesyal na araw na ito ng isang taong kakilala ay may galak sa kanilang puso para sa taong nagdiriwang.

Happy birthday.

Sinasabi na ng dalawang salitang iyan ang tipikal na pagtingin sa mga kaarawan.
-
Pagbigyan ninyo ako, at hanguan ng pasensya sa mga pesemistikong kataga na aking ibubulalas sa mga susunod na linya.
-
Sa mga kaarawan, tulad nga ng aking nabanggit kanina, nagdiriwang at sadyang nagkakasiyahan ang mga tao. Ang kasiyahang kanilang ginagawa, kalimitang hindi lamang nila alam, ay isang kasiyahan na nagbibigay ng kabalintunaan sa mga kaarawan. Masayang masaya sila sa pagdiriwang na ito na isa namang pagdiriwang na naghuhudyat ng paglapit sa kamatayan ng taong sentro ng pagdiriwang.
Habang ang tao ay nadaragdagan ng gulang, hindi lamang siya nadaragdagan ng bilang ng taon na siya ay nabubuhay rito sa mundong ibabaw, datapwa’t siya rin ay nababawasan ng bilang ng taon na siya’y sa mundong ito mamamalagi.
-

Ang kamatayan ay anino ng buhay.
Tulad ng araw at gabi’y laging magkadikit at nagpapalitan ang dalawa at tayong pawang mga tao ay walang magagawa upang piglasin ang koneksyon ng mga ito sa isa’t isa; gaano man natin ito gustuhin.

2 comments:

Anonymous said...

napaisip ako dun ha..
pero ganyan talaga ang buhay. dapat lang talaga na tanggapin natin ang katotohanang sinabi mo.
pero mas mabuti kung wag na lang muna isipin yan at magsaya tuwing birthday. hehe. :)

dk said...

ang mundo natin talaga ay puno ng mga kabalintunaan hehe. :-) tapos sabi mo pa sakin na ndi ka yung tipong palaisip!

new noise - refused

typecast link

Listen to Typecast

ako.mgakaibigan.ako.mgakakilala.atako.:D