Saturday, December 9, 2006

Baka.

Baka. Ang buhay, mula sa unang pagpintig hanggang sa huling paghinga ay isang tanikala ng mga baka.
-Lingat sa
Kung Wala na ang Tag-araw

Totoo naman hindi ba. Ang buhay ng tao ay tunay na punung-puno ng mga agam-agam. Walang bagay ang mayroong tuwirang katiyakan.

Sa kasalukuyan, napakaraming mga baka ang sa isip ko ay bumabagabag; mula sa mga ubod ng kabababawan na mga bagay(tulad ng Baka hindi masarap ang ulam mamayang gabi), hanggang sa mga sukdulan naman sa kaseryosohan(tulad ng Baka hindi ko kayanin ang kurso ko).

Sa mga baka sa ating buhay, sa aking palagay ay isa lamang ang maaari nating gawin; maging positibo sa pag-iisip.
Kung ang pagiging negatibo natin ang paiiralin, walang mangyayari sa ating buhay. Tulad ng sinasabi ng marami, kung ang iisipin natin sa pagharap ng isang pagsubok ay negatibo, hindi ka pa nagsisimulang lumaban ay talo ka na.

Mahirap gawin ang mag-isip ng positibo lalo na kung halos lahat ng bagay na nakapaligid sa atin at lahat ng may kinalaman sa hinaharap na pagsubok ay nagtutulak sa ating mawalan ng pag-asa. Ang pagsasawalang bahala sa mga bagay na ito ang tanging bagay na maaaring gawin at ang hindi kailanman pagpapatalo sa sariling mga pagaalinlangan.

Ang tuwirang pagharap sa mga baka sa buhay ng taos-pusong may pananalig na sa huli ay magiging mabuti at maayos ang lahat, sa aking palagay, ang siyang magpapalakas sa tao at magpapanatili sa matiwasay at masagana niyang pamumuhay.

2 comments:

dk said...

tama ka dyan pareng jebmate! Magaling ang iyong isinulat! Bilib ako sa iyong paniniwala!

kathy said...

pare..mahirap maging positibo..sa gitna ng nakapaligid na negatibong mga bagay-bagay..

isipin mo na lamang..mahirap maging negatibo sa gitna ng positibong bagay sa kapaligiran..

ayos ba?

new noise - refused

typecast link

Listen to Typecast

ako.mgakaibigan.ako.mgakakilala.atako.:D