Thursday, December 7, 2006

this modern love. (isang liham ng pag-ibig at pagkasawi)

ah...bumaba ako sa jeepney, kung saan tayo'y dating magkatabi. magkahalik ang pisngi nating dalawa...nating dalawa...panyo mo sa aking bulsa, ang amoy mo'y naroon pa rin...tawa nati'y humahalay, sa init nating dalawa. subalit ngayo'y...wala na. ikaw ay, lumayo na. naaalala ko ang mga gabing...nakahiga sa ilalim ng kalawakan. naalala ko ang mga gabing...magkatabi sa ulan...kulay ng iyong ngiti...tikwas ng iyong buhok...at ang lambot ng iyong labi. iyong labi. kahit anino mo sa malayo ay nais masulyapan; upang mapawi, ang lamig.

hoy ikaw. isang taon na rin ang nakalipas a? isang taon na rin kitang namimiss. hm. marahil iniisip mo kung bakit kita "kinantahan" ng jeepney. alam mo kasi...ano...walalang...mahal kasi kita e.......ayan. nasabi ko rin. shocking ba?...sa totoo lang...ang g*go diba? totoo kasi na nakatatanga ang pag-ibig. sa pagkakakilala ko sa'yo...masasabi ko na ikaw ang pinaka-g*gong tao na kakilala ko. hindi mo lang kasi alam kung gaano mo ipinadama sa akin na isa kong klase ng tao na hindi nirerespeto...isang klase ng tao na kayang isawalang bahala...sa libu-libong beses na ipinadama mo sa akin na napakababa ng halaga ko...p*cha minahal pa rin kita. sorry, tanga e.
paano pa masasabing ang tanga ko nga at nahulog ako sa'yo?.una: nakita ko kung paano mo pinaglalaruan ang mga babae. mahilig kang magtake advantage sa kanila...pina-iikot mo sila't tinatratong akala mo naman ay gusto mo rin sila. pangalawa: bastos ka. ikaw na ata ang pinaka-bastos na taong nakilala ko(ng personalan). kasi naman noh...akala mo ba okay lang na tumatawag ka sa akin at sasabihin mo lang na...basta yon.isa kang malaking ul*l.isa pa me singkong duling ng pagka-gentleman wala sa'yo. ipakilala ba naman ako bilang isang classmate sa eskwelehan mong all boys (lang naman) sa iyong mga kamag-anak? sabihin na nating may...dahilan...kung bakit ginawa mo yun. pero hello naman diba. pangatlo: hindi ka matalino. sa aking palagay nabubuhay ka nga lang sa kopya. hay. pang-apat: miyembro ka ng isang mala-frat na samahan na kilabot sa iskul mo noon. ay. sorry, di ka nga lang pala basta basta miyembro, ikaw nga pala ang founder at pangulo. panlima: smoker.manginginom.at kilabot na mambubugbog ka nga rin pala.haha.sh*t.so gaano katanga ako?
ngayon. bakit kita mahal?


ewan




ewan




ewan.



basta ang alam ko...sa tuwing pag-ibig ang pinag-uusapan, ikaw ang nagpapop sa utak ko. aliw nga e. tila baga iswitch ang word na pag-ibig na pag binanggit ay automatic kitang maiisip.
f.y.i...isang napakalaking parte ng pagkatao ko ay binago ko talaga para sa'yo; ang parteng iyon hindi ko alam kung mafifigure out mo, palagay ko naman ay oo. isa pang bagay; alam mo ba na ikaw ang taong pinakanakapagpa-insecure sa akin.ewan kung tama ang pagkakasabi ko, basta ikaw yung taong pinaka-nakapag-pa-wish sa akin na hindi ako...basta ako.
inayawan kong maging sarili ko lamang para magustuhan mo naman. para naman kahit papaano makita mo ko. at siguro ay magustuhan mo na rin.
tingin mo sa'kin isang bro.

balik tayo dun sa kanta. bakit sa liham ko ng pagtatapat na ito ay jeepney pa ang napili ko. eto kasi yun. naaalala mo pa ba yung gabi natin sa sementeryo? nakatatak pa rin sa utak ko yung sandaling yun. sa ilalim ng kalangitan nakahiga tayo. nakahimlay sa akin ang iyong ulo at aking hinahawakan ang iyong buhok.sa oras na iyon...lahat...yung mga tao sa paligid....yung lamig ng hangin ng nobyembre....yung sari-saring ingay roon...nwala silang lahat. para bang tayo lamang dalawa noon...yun yung moment ee...yung p*chang specific na moment na nalaman kong iba pintig ng puso ko at tila ba nasabi ko na lamang sa sarili ko, "sh*t problema...problema 'to. mahal ko na tong g*gong toh"

...
para sa iyo at sa kung sino mang nagbabasa nito. dati ko pa isinulat yan.naisipan ko lang ipost ngayon. in short, nakaget-over na ko sa kanya(sa iyo)

4 comments:

Anonymous said...

SUSO!!!
hindi ko ini-expect ang iyong mga salitang binitawan sa blog mo!kala ko dati wala lang iyong taong iyon, iun pala tinamaan ka pala (DATI)...wahahahahah!
haii nako suso marami naman guys dyan sa skul mo ha....im sure makakakita ka ng perfect someone for u..patience is a virtue!lol

Anonymous said...

eto lang masasabi ko..

bakit wala ako alam? grabe, hindi ko man lang alam na meron pa lang nangyayaring ganyan sa yo. or at least may ganong tao pala sa buhay mo. kailangan ko malaman ang kabuuang kwento nito!!

ang galing talaga ng web log.

Anonymous said...

BAKLA HINDI MO PA DIN NAKWE-KWENTO SA AMIN YANG STORY MO NA YAN!!! HAHAHAHAH!! ALAM KO NA MAPAG-UUSAPAN NATIN KAPAG NAGKAROON ULIT TAIO NG HEART TO HEART TALK!!! HAHAHAHAHAHAHAH!!

dk said...

OMG!!!! Prang nging mas madrama ata ang letter natin jebmate! I like it.

I really like it, because this is your heart speaking...

new noise - refused

typecast link

Listen to Typecast

ako.mgakaibigan.ako.mgakakilala.atako.:D